Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko kinasa pagturok sa mga edad 12-17

0 57

Nagsimula na sa lungsod ng Maynila ang pagrehistro para sa pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga batang edad 12 hanggang 17.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na ginawa ito ng lokal na pamahalaan matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagturok sa mga edad 12 hanggang 17 gamit ang mga bakuna ng Pfizer at Moderna.

“We have to be prepared for this eventuality and I have also discussed with Vice Mayor Honey Lacuna and Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan the system that would put in place,” ayon kay Moreno.

Nilinaw naman ni Moreno na COVID-19 vaccine registration pa lamang ang gagawin dahil hinihintay pa nila ang go signal mula sa national government kung puwede nang bakunahan ang mga kabataan.

Nabatid na maaaring makapagparehistro sa Manila COVID-19 vaccine website na www.manilacovid19vaccine.ph. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.