Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko Lolo na: JD baby boy ang anak

0 250

NI: CRISTY S. FERMIN

Lolo na si Mayor Isko Moreno! Tatay na si Joaquin Domagoso! Baby boy ang naging anak ng young actor at ng kanyang girlfriend na si Raffa.

“Napakaguwapong bata!” masayang bungad ng aming source. “Kamukhang-kamukha ng lolo! At Scott din ang ipinangalan nila, sunod sa totoong tawag kay Yorme ng mga kapitbahay nila sa Tondo!” dagdag pang impormasyon ng aming impormante.

Kasagsagan ng kampanya nang ipanganak ang kuwentong nagdadalantao ang girlfriend ni Joaquin. Walang anumang narinig na pagsang-ayon at pagkontra mula sa pamilya.

“’Yon ang maganda. Wala silang idinenay, never nilang sinabi na fake news lang ‘yon, kaya wala rin silang kailangang bawiin ngayong naipanganak na ang bata.

“Mahirap kasi kapag nagdedenay, tapos, may ipinanganak na sanggol, kailangan nilang magpaliwanag. Ngayong nand’yan na ang baby, walang dapat bawiing mga salita ang pamilya ni Joaquin.

“At kahanga-hanga pa nga siya dahil pinanindigan niya ang nangyari. Tama, batang-ama nga siya, pero responsable naman siya!” pagtatanggol pa kay JD ng aming kausap.

Ang kumpletong detalye tungkol sa pagiging batang-ama ni Joaquin Domagoso ay mapapanood ngayong hapon, alas kuwatro, sa bagong upload na sultada ng “Showbiz Now Na!” sa YouTube.

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumusubaybay sa SNN, mula sa pusong salamat sa matataas na numero-views sa bawat episode, kayo ang dahilan ng maagang tagumpay ng programa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.