Abante Tonite Interactive

Isko lumambot sa mga Arranque vendor

600

Lumambot si Manila Mayor Isko Moreno sa mga vendor sa Arranque Market sa Maynila matapos na magpatawag ng isang dialogue.

Nabatid na pasado alas-3:30 nang hapon nang papasukin ang mga vendor sa Bulwagang Katipunan para kausapin at pagsabihan na mayroon nang gobyerno ang Maynila.

Una nang inalis ang mga vendor matapos ang isinagawang inspeksiyon dahil sa napakarumi ng palengke at dahil expired na ang franchise to operate.

Sinabi ni Moreno na wala nang palakasan ngayon, ipatutupad ang batas nang pantay-pantay at hahanapan ng solusyon ang problema ng mga tindera para buksan na ang palengke at makapagtinda na mulib ang mga tindera.

Ayon kay Moreno, kung gusto nilang ma­ging mapanatag sa paghahanaphuhay dapat na sumunod sila sa lokal na pamahalaan.

Kinakailangan umano na ayusin ng mga vendor ang kanilang mga basura at dapat na huwag iwa­nan sa kalsada.

Maari umanong makapaghanap-buhay basta huwag sakupin ang para sa mga motorista at kalsada. (Juliet de Loza-Cudia)