Abante Tonite Interactive

Isko may love advise sa mga newly-grad

493

Pinayuhan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga bagong graduate sa kolehiyo na huwag magmadali sa pag-aasawa.

“Don’t hurry. Use your time. Utilize it in your favor. Sayang. Enjoy,” payo ni Moreno sa kabataan.

Ang ‘love advice’ ay ginawa ni Moreno sa kanyang pagsasalita sa 10th Commencement Exercise sa Mapua University sa Maynila kung saan nagbigay ng kanyang inspirational speech ang alkalde.

Sinabi ni Moreno sa mga nagsipagtapos na mas mabuti kung pagtuunan muna ng pansin ang kanilang career bago ang pagpapamilya.

“Landi, landi mo. Kere-kerengkeng ka diyan. ‘Pag nakita kitang naligaw-ligaw, hihilahin ko ‘yung buhok ng babae sa harapan ng bahay niya para ikahiya ka niya,” pag-aalala ni Moreno sa sinasabi sa kanya ng kanyang ina para patigilin siya sa panliligaw sa mga babae habang siya ay nag aaral.

“Anong nakakahiya? Nakakahiya ‘pag wala kang mapalamon ‘pag nabuntis mo ‘yan,” naalala pa ni Moreno na sinabi ng ina pero ngayon niya naiisip ang kahalagahan ng mga sinasabi sa kanya ng kanyang nanay.

Sinabi pa ni Moreno na kabuntot ng pag-ibig ay gastos kaya dapat na ‘financially secured’ na bago magkaanak.

“Walang masamang mag-ibigan. Ang masama ay hindi mo tanggapin ang reyalidad ng lipunang inyong kakaharapin,” ayon pa kay Moreno. (Juliet de ­Loza-Cudia)