Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko, McCoy, Lim pasabog ang pagtatagpo

0 101

NI: ALWIN IGNACIO

Pop culture kasaysayan ang pagtatagpong nangyari kina Manila City Mayor Isko Moreno, Xian Lim at McCoy de Leon.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ang butihing alkalde ng the City of Man, nakaharap ang dalawang artistang lalaki na bida sa biopic movie niyang isang musical, ang “Yorme.” Si Lim ang gaganap na politikong Isko. Si De Leon naman ang magbibigay buhay sa humble beginnings at artista days ni Mayor Domagoso.

“I’m honored and grateful to them. Thank you sa kanilang dalawa. I’m excited to see the end of the project,” patungkol ni Mayor Isko sa dalawang bida.

Dagdag niya pa: “I trust the production… I gave them, at least, the full account, what transpired in my life from basurero to mayorship. In these trying times, people are very sad, challenged and threatened by the health issue of our country and the world.

“And I hope this project may at least, in one point or another, give hope na pag nagpupursige ka sa buhay, may awa ang Diyos, na makakaraaos ka rin kahit papaano at napagtagumpayan mo pa.”

Maraming makukulay na bahagi sa kanyang buhay ang kasali sa paparating na pelikula.

Patuloy na pahayag ni Mayor Isko: “Wala naman maitatago pa sa akin. Bulatlat na ang buhay ko. May ups and downs, may challenges. It was made public. It’s an open book. I am not ashamed of this. Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived. In portraying characters, there are challenging scenes, and I’m happy when I give justice to a particular scene. And sometimes it requires extra ability and guts to do it.”

Masaya at may kumpiyansa si Mayor Isko sa mga napiling artistang gaganap sa buhay niya.

Sabi nga ni Lim: “It is my first time to do a biopic and the part of his life na most magnified ang napunta sa akin. On my part, I did my own research prior to the shoot, Pinag-aralan ko rin yung manner of his speaking, may kakaibang accent kasi si Mayor Isko eh. I am proud to do this role kasi nga I am portraying a good man. No, a great man is more appropriate.”

Almost two years in the making, at tiyak paglabas ng pitak na ito, tapos na ang kanilang shooting. And mind you, hindi nagpabayad ang butihing alkalde ng talent fee. Ang Saranggola Media Productions ang nag-donate nito sa isang film institution.

Kailangan nga kaya maipapalabas ang “Yorme” movie? Naku, naku! Balita ko matapos ianunsyo ni Mayor Isko na walang “electioneering” na pwedeng maibato sa kanya dahil ang mga balak na tatakbo sa eleksyon nasyonal ay sa Pebrero 2022 ipagbabawal ang kahit na anong material na masasabing ginagamit na pangangampanya, go for gold na yatang isusumite ang finished film as possible MMFF 2021 contender.

Ay! “Yorme” sa Kapaskuhan? Ang saya-saya nun ah!

Leave A Reply

Your email address will not be published.