Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko Moreno top bet na senador sa 2022

0 683

Nangunguna si Manila Mayor Isko Moreno sa mga napupusuan ng mga Pinoy para maging senador, base sa bagong survey mula sa Publicus Asia Inc.

Sa survey na isinagawa noong March 20 hanggang 29 sa 1,500 respondent, nakakuha ng 68.9% ang alkalde ng Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinundan si Moreno ng kasalukuyang mambabatas na si Senador Manny Pacquiao na may 66.3%, sinundan ito ni Dr. Willie Ong (63.3%), Sorsogon Gov. Chiz Escudero (57.7%) at Leyte Rep. Lucy Torres Gomez (38,9%).

Pasok din sa Magic 12 sina Davao City Mayor Sara Duterte (30.7%), Senadora Risa Hontiveros (30.5%), Bongbong Marcos, 27.5%), Senador Joel Villanueva (26.7%), Senador Sherwin Gatchalian (24%), Lipa Rep. Vilma Santos Recto (22.5%) at Antique Rep. Loren Legarda (22.3%). (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.