Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko nadale ng 5 pekeng food delivery

0 100

Limang food delivery rider ang nabiktima ng pekeng order para kay Mayor Isko Moreno matapos na ihatid sa tanggapan nito ang iba’t ibang pagkain nitong Huwebes ng hapon.

Nabatid na inorder ang mga pagkain sa iba’t ibang mobile delivery app gamit ang iba’t ibang international mobile number.

Sa mga text message na natanggap mula sa mobile number, nag-order diumano ang isang “Isko Domagoso Moreno” ng iba’t ibang pagkain mula sa magkakaibang restaurant.

“Pakidala po sa mayors office thank you pa assist nlng po kayo,” bilin pa ng umorder sa mga delivery rider.

SM food to go Banner Ad

Wala umanong ideya si Moreno kung sino ang may pakana ng mga pekeng food delivery booking.

Pero, inabonohan na lang ng alkalde ang halaga ng mga pagkain na dinala ng mga rider sa kanyang tanggapan.

Nanawagan si Moreno na huwag naman perwisyuhin ang mga rider, lalo pa’t maraming hirap sa hanapbuhay ngayong may pandemya.

“Alam naman po natin na marami ang gusto lang maghanapbuhay nang tapat at marangal. Huwag na natin sila i-prank, pagtripan o i-harass sa mga pekeng deliveries natin. This is not a laughing matter,” ayon kay Moreno.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.