Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko nagbabala vs mga pabida sa Maynila

0 247

Umapela sa publiko si Mayor Isko Domagoso na huwag magpadala o maniwala sa mga nagpapakilalang event organizer na nagsasabing hindi sila mahahawa ng COVID-19 kapag sumali sa kanilang aktibidad.

“`Wag kayong maniwala sa mga tolongges na okay na tayo. Maaaring okay sa numero pero meron pang panganib at pangamba. Wag maniwala sa mga organisasyon na nagbibida-bida at isasama pa kayo sa kapahamakan…sama-sama, dikit-dikit, talsikan ng laway sa bawat mukha niyo. Wag kayo naniniwala dun,” ayon kay Moreno.

Inihayag ito ni Moreno dahil nagtataka umano ito kung bakit sa napakaagang panahon may mga taong abala na sa pag-organisa ng mga event tulad ng piyesta para sa susunod na buwan samantalang hindi pa nga tapos ang Disyembre. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.