Abante Tonite Interactive

Isko naiyak nang maalala si Kuya Germs

576

Hindi napigilan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mapaluha matapos na ipaalala ang kanyang naging ama-amahan na si German Moreno, kilala bilang Kuya Germs sa showbiz industry.

Hinubad ni Moreno ang kanyang suot na salamin at pinahid ang luha nang sabihin ng anchor na si Mike Enriquez na mayroong isang tao ang nakaupo at naka­ngiti ngayon kay Moreno.

Aminado naman si Moreno na sa napakaraming bata na noon ay tinulungan ni Kuya Germs, siya ang tinutukan nito nang husto nang pumasok siya sa ‘That’s Entertainment’.

Itinuring umano niya itong ama at naging ma­laking bahagi kung anuman ang naging buhay niya sa ngayon.

Ayon kay Moreno, nanggaling siya sa wala at ang kanyang mga na­ging karanasan sa buhay ang kanyang ginagamit na inspirasyon sa pagdedesisyon.

“I will never be right all the time, but I will be just fair all the time,” ayon kay Moreno.

“I grew up in the streets, sa bangketa ako namuhay. ‘Yung tunay na sitwasyon ng taumba­yan, eh naranasan ko, ultimo kumain ng tira ng tao sa basurahan, kaya hanggat maaari sa paggogobyerno, sa totoo lang, deep inside me unfair ako, dahil may certain level ako ng bias, na kilingan ang ating mga kababayan. Pero kaila­ngan, maipakita pa rin natin sa tao na bagamat ganun nga ang aking pakiramdam, gusto ko maipakita na tutulayin ko pa rin ang alambre,” dagdag pa ni Moreno.

Sinabi pa ni Moreno na napakabigat sa kanyang puso na ang mga naaresto ay mga nauutusan lamang ng ilang indibiduwal.

Muli nanawagan si Moreno sa Manilenyo ng kooperasyon dahil hindi umano niya kayang mag-isa ang ginagawa niyang pagbabago. (Juliet de Loza-Cudia)