Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko niyari ng mga kalaban sa bakuna rollout

0 119

Politika ang nakikitang dahilan ni Mayor Isko Moreno sa pagsugod ng mga gustong magpabakuna sa ilang vaccination center sa Maynila nitong Huwebes kung saan hindi na nasunod ang social distancing.

Sinabi ni Moreno, mga “agitator” na mga “bata” ng mga politiko ang nasa likod nito.

Nitong Huwebes libo-liboNG katao ang dumagsa sa ilang vaccination site sa Maynila matapos na kumalat ang balitang hindi palalabasin at walang ayuda ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

“Eh, mukhang napasok na tayo ng mga bata ng mga politiko, eh. Ako may duda ako, may pinanggalingan, may idea na ako kung kaninong bata ‘yung mga pain, agitator,” pahayag ni Moreno sa kanyang Facebook Live.

SM food to go Banner Ad

Samantala, hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. sa National Bureau of Investigation (NBI) na silipin kung sino ang nasa likod ng fake news ukol sa `no bakuna, no ayuda’ na naging dahilan na pagdagsa ng mga tao sa mga vaccination site.

Sa kanyang liha kay NBI Officer-in-Charge Eric Distor, hiniling ni Abalos na alamin kung kanino nagmula ang fake news at papanagutin sa batas.

Nabatid na bukod sa Maynila ay dinagsa rin ang ilang vaccination site sa Las Piñas at hanggang sa Masinag sa Antipolo City.

“Tingin ko may mga nagpapakalat talaga ng fake news. Mayroon talagang walang matinong ginagawa sa buhay nila. Ewan ko ba kung bakit hindi pa sila ma-COVID no,” pahayag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque. (Issa Santiago/Juliet de Loza-Cudia/Kiko Cueto/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.