Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko nota na lang ang ‘di pinakita

0 311

ROMMEL PLACENTE:Alam naman natin mga ka-Cuatros na nagsimula si Yorme Isko Moreno bilang artista bago siya pumalaot sa daigdig ng politika. Naging member siya noon ng sikat na youth oriented show na That’s Entertainment. Hanggang gumawa na siya ng nga pelikula na kung saan ay sumabak din siya sa pagpapaseksi . Kaya naman may mga sexy pictorials siya noon. May kuha siyang naka-brief lang.

Sa pagsasapelikula ng biopic ni Yorme Isko, ipapakita rito ang paggawa niya ng sexy movies. At hindi niya naman daw ‘yun ikinahihiya. Nakita lang naman daw ang buong katawan niya, pero hindi naman daw ang harapan niya.

“That is for private use only,”natatawang sabi ni Mayor Isko

Katwiran naman niya sa paggawa ng sexy films noon,”Anything na ginawa ko sa showbiz,I’m happy. I survived. Because in portrayal of character, there ang challenging scenes. And I’m happy when I do and give justice to a particular scene. And sometimes, it requires some extra ability and some guts to do it,”

Patuloy niya,”So, that’s why makikita ninyo.In fact, ginamit sa akin laban sa eleksyon yun e, nung 2007, na naka-brief lang ako. The picture was shot by Douglas Quijano (dating manager ni Richard Gomez na sumakabilang-buhay na). You know, wala namang maitatago sa akin. Bulatlat na katotohanan ang buhay ko. Wala namang pagkukubli. May ups and downs. May challenges. It was made public. It was an open book,”

RODEL FERNANDO: Gusto ko si Mayor Isko sa patuloy niyang paggamit ng mga salitang kalye na pinauso niya. Gaya na lamang ng mga lasma, wakali, dehins at maraming pang iba. Of course lalo na ang salitang yorme na tumatak sa lahat at naging bukambibig na ito. Kasama na rin siyempre rito ang pagpapahalaga niya sa wikang Pilipino na hindi niya nakakalimutan kahit bihasa na rin siya sa wikang English.

Hindi niya tinalikuran ang mga bagay na kinagisnan niya noong wala pa siya sa kinalalagyan niya ngayon.

May isa pang nagugustuhan sa kanya ay ‘yung pagkakawanggawa niya. Ang bawat ini-indorsiyo niya kasing produkto at serbisyo ay napupunta ang kita niya sa pagtulong. Dahil ditto, sinabi niyang hindi siya nahihiyang mapuno sa EDSA ang mukha niya sa billboard.

As in walang natitira sa kanya lalo na kapag may mga sakuna sa ating bansa.

ROLDAN CASTRO: Agree ako ka-Cuatros na Rodel na dino-donate niya ang mga TF niya sa endorsement. Pati ang rights at talent fee niya sa pelikulang Yorme ay hindi niya kinuha.

Ayon sa kuwento ni Madam Edith Fider, executive producer ng Saranggola Productions, hindi naningil si Isko. Pina-donate niya ito sa UP Filmmaking. Wala siyang kakilala dun pero gusto lang niyang tulungan.

Ang pelikulang ‘Yorme’ ay pinagbibidahan nina Xian Lim at McCoy de Leon. Ito ay sa direkyon ni Joven Tan.

MILDRED A. BACUD:Nagkaroon nga tayo ng pagkakataon ka-Cuatros na Rommel na makausap siya 5 years ago during his campaign. Nakakatuwa ang pagiging transparent niya.

Ang pinakanagustuhan sa palagay ko ng tao sa kanya ay ‘yung hindi niya kinakahiya ang nakaraan niya lalo na yung pagkakalkal niya ng basura o pagiging pagpag boys. Kapag totoo ka kasi sa nakaraan mo wala kang dapat ikatakot. Nakatulong pa nga ang pinagdaanan niyang hirap para mas maka-relate sa masa. Mas ramdam niya ang kahirapan ng tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.