Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko: Nurse sa COVID bakuna for sale ikulong

0 105

Nais ni Mayor Isko Moreno na makulong lahat ng suspek na nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta ng 300 Sinovac vaccine kontra COVID-19 na nagkakahalaga ng P1 milyon.

“We thank the NBI for helping the city government protect our citizens. Congratulations NBI, jail them all,” ayon kay Moreno.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan na hindi galing sa storage facility ng lungsod ang mga COVID bakuna na nahuli sa nurse na si Alexis de Guzman.

Nauna rito ay nasakote sa entrapment operation ng NBI ang naturang nurse at dalawa pa umanong kasamahan nito dahil sa pagbebenta ng Sinovac vaccine kontra COVID-19.

Sinasabing galing diumano sa isang ospital sa Maynila ang mga nasamsam na bakuna.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Pangan, bantay-sarado ang storage facility ng lungsod.

Nilinaw naman ni Dr. Ted Martin, director ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center na may 15 taon nang nagsisilbi si De Guzman sa lungsod at kasalukuyang naka-assign sa operating room.

Hindi umano bahagi si De Guzman ng vaccination team ng Maynila.

Gayunman, sa mga impormasyong nakalap ay isang negosyante umano ang asawa ni De Guzman na ilang taon nang nagbebenta ng mga anti-flu at anti-pneumonia vaccine.

Kasama ni De Guzman na nahuli ng NBI ay kinilalang sina Calvin Yeung Roca, Filipino-Chinese, at Kour Singh, na ayon sa ahensya ay bahagi ng grupong nagbebenta umano ng COVID-19 vaccine sa mga Chinese worker. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.