Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko, PGH partner para sa mga cancer patient

0 313

Naki-partner ang pamahalaang lokal ng Maynila sa Philippine General Hospital (PGH) upang magkaroon ng pagkakanlungan ang mga pasyenteng may cancer na mula pa sa malalayong probinsya sa bansa.

Nabatid na nilagdaan ni Mayor Isko Moreno ang kasunduan sa PGH para matulungan ang mga cancer patient na walang matutuluyan sa lungsod.

Ayon kay Moreno, alam niya ang hirap ng isang pasyenteng nakikipagtunggali sa sakit na cancer dahil ito rin ang siyang kumitil sa buhay ng kanyang ama habang isa pa sa malapit sa kanya ay patuloy ding nakikipagbuno sa nasabing sakit.

Ang halfway house para sa mga cancer patient ay matatagpuan katabi ng bagong gawang city library sa Taft Avenue. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.