Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko pinagamit na reserbang vaccine

0 24

Pinagamit ni Mayor Isko Moreno ang reserbang COVID-19 vaccine na nakalaan sana para sa pangalawang turok ng mga nauna nang nabakunahan.

Ito’y dahil na rin sa kagustuhan ni Moreno na marami pa ang mabakunahan habang naghihintay ng panibagong supply ng COVID-19 vaccine.

Nabatid na nitong Biyernes, Hunyo 11, itinuloy ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mass vaccination program gamit ang dapat sana ay reserba para sa second doses.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na maliban sa pagbabakuna ng second dose sa 15 vaccination center ng mahigit 9,500 health frontliner, senior citizen at edad 18-anyos hanggang 59-anyos na may comorbidity, nagbigay din ng first dose vaccine sa mga mall kung saan may inilaang lugar para sa pagbabakuna.

Sinabi ni Moreno na kaya niya naisipan ang ganoong desisyon ay dahil nakausap niya si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ginarantiyahan ang pagdating ng panibagong batch ng bakuna sa mga darating na araw na sasakto naman sa mangangailangan ng second dose nito.

Mapapalitan naman aniya ang nagamit na reserba sa pagdating ng panibagong supply ng bakuna. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.