Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko pokus lang sa serbisyo

0 119

Nangako na si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ na tuloy pa rin ang paninilbihan niya sa mga Manileño kahit naghain na ito ng kandidatura para sa 2022 presidential elections.

“Tuloy ang gobyerno. We’re still here. I’m going to have to do what I have to do as the Mayor,” pagtiyak pa ni yorme sa kanyang mga nasasakupan.

Bilang isa sa kandidato sa pagka-presidente sa darating na halalan, kailangan niyang ikutin ang buong Pilipinas upang ligawan ang mga botante. Pero sa kabila nito, nanindigan si Moreno na prayoridad pa rin niya ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Manileño.

Tuloy-tuloy pa rin ang laban ng Maynila kontra COVID-19. Sinimulan na sa lungsod ang pagbabakuna sa mga menor de edad na may comorbidities sa Ospital ng Maynila Medical Center.

“Maaring nabakunahan na natin ang mga may edad, pero paano ‘yung mga bata? Wala namang science na nagpapatunay na hindi sila maiimpeksyon,” paliwanag pa ng alkalde.

“Kaya kailangan na talaga natin silang bakunahan. More than the protection that they’re going to get, ito ay para makabalik na sila sa eskwelahan,” ani Moreno.

May ilang kandidato ang pumupuna sa estilo ng pamamalakad ni Moreno at sa kanyang mga binitawang salita. Pero ang mga banat na ito ay mukhang calculated move para makaangkas sa popularidad ni yorme.

Sa survey ng Pulse Asia noong September 6-11, si Mayor Isko ay nasa pangatlong puwesto sa nakuhang 13 percent. Isa siya sa malakas na kandidato para humalili kay Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng termino nito sa 2022.

Asahan nating tataas pa ang rating ni Mayor Isko sa mga susunod na buwan lalo pa’t marami ang bibilib sa panukala nito na tapyasan ng 50 porsyento ang buwis sa elektrisidad at langis.

Habang tumataas kasi ang presyo ng gasolina at diesel at iba pang produktong petrolyo, tumataas din ang ikinakargang buwis dito. Kung mababawasan ito ng kalahati, maraming makikinabang dito.

Hindi lang mga motorista at PUV driver ang makikinabang kundi pati na rin ang bawat kabahayan. Isipin nyo na lang ang LPG na abot hanggang langit na ang presyo ngayon kapag tinanggal ang 50 porsyentong buwis na nakakarga rito.

“Fifty percent tax cuts sa oil, 50% tax cuts sa kuryente, at sigurado ako para ko nang binigyan ng ayuda hanggang bundok ng Tralala,” pagbibida ni Isko.

Ang tax ang nagpapalaki sa bayarin ng mga Pinoy kaya hindi na tayo magtataka kung marami ang bumilib sa plataporma ni Mayor Isko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.