Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko sa mga Manilenyo: ‘Wag na choosy sa bakuna

0 101

Pinayuhan ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno ang residente ng lungsod na huwag maging choosy sa COVID-19 vaccine.

“Kung ano ang dumating, tanggapin na lang natin,” ayon kay Moreno.

Ayon kay Moreno, hindi siya partikular sa kung anong brand at saang bansa nagmula ang bakuna, ang mahalaga ay duly accredited ito ng mga national health authorities at experts bilang ligtas at mabisa.

Sinabi ni Moreno, kailangan na pagtiwalaan ang mga specialist, doctor at scientist na gumarantiya na ang isang produkto ay ligtas.

SM food to go Banner Ad

Sa isyu naman ng Sinovac na napaulat na hindi nirerekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) para gamitin ng mga health frontliner na direktang nag-aasikaso sa mga pasyenteng may covid, sinabi ni Moreno na maaari pa rin namang gamitin ito ng taong hindi mga health frontliner.

“We will respect if a health frontliner will refuse, as a matter of policy. We will offer it then to the general public, like the drivers, vendors and the like. Pangulo mismo ang nagsabi, nagkakaroon na tayo ng problema sa ekonomiya so we must balance buhay at kabuhayan,” dagdag ni Moreno.

Ayon pa kay Moreno, ang pinakamabisang paraan upang pasiglahin ang ekonomiya ay bigyan ng kapanatagan ng isip ang publiko at palakasin ang loob at tiwala ng mga consumer sa pamamagitan ng paglalagay sa kanilang isip na ang mga nagbibigay sa kanila ng serbisyo ay nabakunahan na. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.