Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko sinopla mga nega sa Manila Bay white sand

0 98

Sinopla ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga tumututol sa ginagawang pagtatambak ng dolomite sand sa Baywalk,Manila Bay sa Maynila.

“Don’t make it appear na pinanahalagahan ninyo ang kapakanan namin (Manilans) kesa sa pinahahalagahan namin ang kapakanan namin. Di kayo ‘knight in shining armor.’ We are excited to benefit from it but we guarantee, if there is any violation of environmental protection or laws, we will act but so far, maliwanag na walang panganib,”ayonnkay Moreno.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno bilang reaksiyon sa napakaraming tumututol at biglaang naging specialist experts sa isyu ng white sand at dolomites sa umano ay panganib na idudulot sa mga residente ng Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.