Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko tinangkang ‘budulin’

0 61

Ni: Cristy S. Dermin

Ano raw? Si dating Mayor Isko Moreno, binugbog daw sa Paris, France, napuruhan daw ang politikong natalo sa panguluhan nu’ng nakaraang halalan?

Papayag ba naman ang dating mayor na basta na lang siya masaktan? Hindi puwedeng mangyari ‘yon, sanay sa rambol ang aktor-politiko, laki siya sa Tondo.

Nagliliwaliw ngayon sa Europa ang buong pamilya ni dating Mayor Isko. Ang lagay nga naman, Lotlot na nga naman siya sa nakaraang eleksiyon, magmumukmok pa ba naman siya?

Puwedeng may nagtangkang mambudol sa kanya, pero siya pa ba naman ang sasampolan ng mga manloloko, samantalang lumaki siya sa isang kapaligiran na sangdamakmak ang mga nambubudol?

SM food to go Banner Ad

Natakot siguro ang mambubudol dahil kasama ni Yorme ang matatangkad niyang anak na lalaki at poporma rin siyempre ang kanyang misis na black belter pala.

Ayon sa mga anak-anakan naming matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa iba-ibang bansa sa Europa (Spain, Belgium, Netherlands, Norway, Germany, Finland at iba pang mga bansa) ay nandu’n talaga ang mga taong hindi mo aakalaing masasama pala ang balak dahil sa kanilang gayak.

“Makakakita ka ng taong naka-suit, akala mo manager ng isang malaking kompanya, pero mandurukot pala! Huwag kang magpapadala sa mga ganu’ng porma!” sabi ng aming kaibigan.

Sa Paris din nadukutan ang isang kaibigan naming abogado, guwapong-guwapo raw ang kanyang nakasabay sa mataong kalye, pagkapa nito sa kanyang wallet ay wala na.

Ang nakaporma at guwapong nakasabay nito ay wala na, humalo na sa karamihan, kaya hindi na nito nahabol. Ganu’n ang galawan sa Europa, nagkalat ang mga mandurukot, kaya kailangang mag-ingat ang mga turista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.