Isko, Vico kapit-bisig sa Pasig River ferry

416

Kapwa sinuportahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Pasay Mayor Vico Sotto ang pinasina­yaang Pasig River ferry service na alternatibong transportasyon kontra trapik.

Pitong ferry boat ang ipinagkaloob ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang tig-dalawa ang ibinigay ng Pasig at Manila government.

Kasama nina Isko at Vico sina Transportation Sec. Arthur Tugade, Sen. Christopher ‘Bong’Go, MMDA Chairman Danilo Lim at iba pang opisyal sa pagbubukas muli ng ferry service.

Plano ng transport officials na gawing libre ang sakay sa Pasig River Ferry Service hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nitong una ay hanggang Enero 31 sa susunod na taon lamang, ayon kay Lim.

“Libre ito at the end of January pero pinipilit namin na makapag-source pa ng funds and resources. Kung puwede lang sana libre na ito habang si Presidente Duterte ay nakaupo, pero ginagawan natin ng paraan. Kung hindi man libre babaan pa natin ‘yung (pamasahe),” ayon sa panayam kay Lim.

Nitong Disyembre 9 ay pormal nang pinasi­nayaan ang pagbubukas ng Manila Ferry Service sa Cavite City, na pinangunahan ni Tugade, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Duterte na maglaan ng alternatibong transportasyon.

“Ang una po, ipinararating ng ating Pangulo sa MMDA ang kanyang congratulations at taos-pusong pasasalamat for relaunching the Pasig Ferry.

Alam po nating lahat na ang relaunch ng Pasig Ferry ay isang magandang bahagi upang matugunan ‘yung tinatawag na mobility at connectivity ng mga tao at, higit sa lahat, upang makatulong to decongest the traffic in Metro Manila,” batay sa pahayag ni Tugade.

Ayon kay Tugade, aabutin na lang ng 20 minuto ang dating mahigit dalawang oras na biyahe kapag sumakay ng ferry mula Cavite City Port Terminal patu­ngon ng Cultu­ral Center of the Philippines (CCP) Complex in Pasay City, at Liwasang Bonifacio Terminal (Plaza Lawton) in Manila, at vice versa.

Magsisimula ang unan­g biyahe ng alas-6:00 nang umaga mula CCP papuntang Cavite City, habang bandang alas-6:50 naman nang gabi ang hu­ling biyahe. (Dolly Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...