Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko wawasakin trak na iligal pumarada

0 167

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno na kapag nagpatuloy ang iligal na pagparada ng mga trak sa lungsod ay hindi siya magdadalawang isip na na chop-chopin ang mga ito o kaya’y buhusan ito ng acetylene.

Kasunod ito ng utos niya na hatakin ang 17 trak na iligal na nakaparada sa R-10 sa Tondo, pinahatak ni Mayor Isko Moreno ang 17 truck sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kamakalawa ng hapon.

Sinabihan ni Moreno ang mga truck owner na huwag maghanapbuhay ng trucking kung wala silang parking. Kasabay nito, pinasalamatan naman ng alkalde ang team ni MTPB Director Dennis Viaje at ang netizen na nagpadala sa kanya ng mga litrato na kumpleto ang detalye at kung paano inookupa ng mga truck ang kahabaan ng kalye at ginawa na itong parking area.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Taumbayan ang nagbabantay sa inyo…nakabalagbag kayo sa R-10 tapos kayong mga may-ari ng trak, iyakin kayo pag na-tow,” ayon kay Moreno.

Sinabi ni Moreno na madalas na nagrereklamo ang mga truck owner na lagi silang kinokotongan upang palabasin na may nangyayaring extortion.

“Noong araw nagrereklamo kayo kinokotongan kayo eh kayo din ang tukso. Bat kayo nakaparada kung wala kayong nilagyan? Gustong-gusto n’yo rin naglalagay eh, tapos magrereklamo kayo,” galit na pahayag ng alkalde. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.