Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isko, Willie Ong tandem sa 2022

0 136

Kinumpirma kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na tatakbo siyang pangulo sa 2022.

Ang deklarasyon ng kandidatura ni Yorme at ka-tandem na si Dr. Willie Ong ay gagawin ngayong araw, Setyembre 22, ayon kay Manila Public Information Office chief Julius Leonen sa isang aktibidada sa Tondo, Maynila.

Si Ong ay tumakbong senador noong 2016 ngunit nabigong makapasok sa Magic 12.

Kilala ng publiko si Ong bilang doktor na nagbibigay ng payong medisina sa social media.

Samantala, si Moreno ay isa sa mga matunog na pangalang tatakbo sa isang national position sa susunod na taon.

Maliban kay Isko ay nauna nang nagdeklara ng kandidatura sa pagka-pangulo sina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at ka-tandem nitong si Senate President Tito Sotto at Senador Manny Pacquiao na wala pang ka-tandem.

Si Moreno at Doc Ong ay tatakbo sa ilalim ng partidong Aksyon Demoktratiko. (Juliet de Loza-Cudia/MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.