Abante Tonite Interactive

ISKOnek sa Bonifacio Shrine pinalitan na

477

Kaagad na tinawag ni Manila Mayor Isko Moreno ang atensiyon ng Eastern Communications para palitan ng MNLkonek ang inilunsad na ISKOnek na nagbibigay ng libreng wifi sa paligid ng Bonifacio Shrine.

Ito ay matapos gawing isyu ng mga netizen ang inilagay na ISKOnek na pumapasok umano sa “epalitiko”.

“For everyone’s information po, yes, from ISKOnek, pinapalitan na namin siya ng MNLKonek na,” pahayag ng Manila Public Information Office.

Nabatid na ang ISKOnek ang pinili ng Eastern Communications para i-brand ang WiFi kiosk sa Bonifacio Shrine.

Gayunman, matapos punahin ng mga netizen ay minabuti nila na papalitan ito sa Eastern Communications.

Inilunsad ni Moreno ang Wifi kiosk sa Bonifacio Shrine na bukod umano sa libreng wifi connection ay maaari rin magamit ng publiko para sa landline calls, social networking at video calls. (Juliet de Loza-Cudia)