Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iskor ni Miller sa Diyaryo Susi sa maayos na buhay

0 130

Mula sa mga sulok-sulok ng iba-ibang basketball court sa kapaligiran ng Zambales natutong maglaro ang batang Ololngapo na nakilalang si Willie Miller.

Natagpuan niya ang sarili na naglalaro na pagkaraan para sa Colegio De San Juan de Letran sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) dahil madiskubre bilang miyembro ng Central Luzon Team na madalas na mag-silver medal sa taunang Palarong Pambansa.

Aminado si Miller, 43 na ngayon, na ang kahirapan ang nagtulak sa kanya para sanayin ang sarili sa pagbabasketbol at gawing daan ang sport upang makapag-aral. Hindi niya inakala na magiging tulay pala ang ang laro para iahon ang sarili at pamilya tungo sa isang magandang buhay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“May nakabasa noon sa isang diyaryo tungkol sa iskor ko kada laro sa Palaro,” tanaw-balik ni Miller sa panayam ng Abante TONITE sa nakalipas na linggo. “Kinausap ako pagkatapos ng Palaro tapos ayun na. Kinuha ako para maglaro sa kanila at iyun na nga ang nangyari nagtuloy-tuloy sa PBA.”

Isa si Miller sa pinakamaliit na manlalaro na naging top pick sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 2001 para sa Red Bull Thunder. Nakaapat na kampeonato at dalawang Most Valuable Player siya sa pro league.

“Hindi ako naiyak noong unang manalo at iyung huling MVP kasi nasanay na ako. Pilit nga akong pinapaiyak noon sa interview pero dinadaan ko na lang sa ngiti para hindi ako maiyak,” bigkas niya.

May ilang ulit ding kinatawan ni Miller ang bansa, huli sa Pilipinas MX3 Kings sa ASEAN Basketball League si Miller noong 2016 bago nagpasyang magretiro. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.