Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ISKUP: Hannah dating dyowa ni Marlo

0 124

ROMMEL.PLACENTE : May rebelasyon si Marlo Mortel sa show namin na Showbiz Cafe sa FYE channel ng Kumu with ka-Cuatros na Roldan at Mildred.

Napag-usapan namin ang tungkol sa kanyang lovelife.Ayon sa kanya, ay wala siyang karelasyon ngayon. Pero nagkaroon na raw siya before ng tatlong girlfriends.

At ang isa rito, ay si Hannah Arnold na ang tinanghal na Binibining Pilipinas International 2021. Naging sila raw ng dalaga noong ka-loveteam pa niya si Janella Salvador.

O, di ba,bongga si Marlo,ex niya ay isa nang beauty titlist? Sabi nga ng singer-actor noon pa raw ay pangarap na ni Hannah na maging isang beauty queen.At happy naman siya para rito dahil natupad na ang wish nito.

Kahit wala na silang relasyon ay napanatili pa rin daw ang kanilang friendship. May communication pa rin daw silang dalawa. In fact,nang tanghalin ngang Binibining Pilipinas International si Hannah ay nag-congrats siya.

Wala na raw naman siyang balak pang balikan si Hannah kahit pa pareho pa rin silang single ngayon.

MILDRED BACUD: So ka- Cuatros na Rommel kahit pala anong push sa MarNella loveteam dati ay malabo. Alam din daw ni Janella na may gf siya during that time na ginagawa nila ang seryeng ‘Be Careful With My Heart.’

Naging malihim din si Marlo sa lovelife niya.

.Pero wait, hindi ba’t na-link din siya kay Morissette? Tanda ko pa nang sabihin niya sa isa sa mga interviews natin at that time na very close sila ng singer. Pumunta pa nga ito sa show na pinroduce natin sa Zirkoh for Marlo. Sabi nga ng singer/ actor , wala na silang communication ni Mori pero knows naman niya na engaged na ito . Happy lang daw siya for her.

Anyway, may promise ang single ni Marlo na “Mahina” under Polyeast Records. Kahit acapella niyang kinanta, may recall at malalim ang lyrics.

Sa singing and songwriting muna daw magpofocus si Marlo but definitely ay babalik daw siya sa acting kapag may magandang project na dumating.

Aktibo rin siya sa kanyang YouTube Channel. Dito ay makikita naman ang husay niya sa pagdidirek mg sariling MTV.

RODEL FERNANDO: Tahi-tahimik lang si Marlo pero nakadangwit pala siya ng isang beauty queen sa katauhan nga ni Hannah . Matinik din pala siya pagdating sa chicks. Anyway, napansin ko lang na lalong gumuwapo ang binata at in good shape siya. Ganyan talaga pag maalaga sa katawan. Sigurado na maraming babae ang nagpaparamdam sa kanya at siyempre ng kabadingan na rin.

Sa sinasabi niyang pokus muna siya sa kanyang singing career ay tama lamang ito. Dito naman talaga siya minahal ng kanyang mga fan sa pagkanta at pag-perform. Pero sana huwag din niyang pabayaan ang kanyang acting career.

ROLDAN CASTRO: Naniniwala rin si Marlo na malakas ang laban ni Hannah sa Miss International. Malakas daw ang laban ng kanyang ex na masungkit ang korona.

Sino pa ‘yung dalawa na ex niya?‘Yung isa ay nobya niya at kaklase nu’ng high school . ‘Yung isa naman ay sinusundo raw niya dati sa taping na taga-Viva. Hindi na niya pinangalanan ang mga ito.

Silang tatlo ay naka-bonding din daw niya at nakakuwentuhan nang umakyat sa Kumu habang nagi-stream siya.

Lahat sila ay kaibigan pa rin niya hanggang ngayon.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.