Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iskup ng Tonite sa mga artista

0 366

NI: MILDRED BACUD

Marami rin ang mga pasabog na balita ang Abante Tonite na dito unang lumabas.

Umpisahan natin sa pinaka-latest tungkol sa paglipat ni Janine Gutierrez sa Kapamilya network. Nag-react ang GMA 7 sa sinulat naming hindi na nagrenew ng kontrata ang aktres. Kinausap kami ng isang insider sa Kapuso at binigay ang side nila na hindi sila ang nilayasan ni Janine kundi ang network mismo ang hindi nagrenew ng kontrata . Sinundan namin ‘yon ng isyung ang posibleng dahilan ng hindi pagre-renew ay ang tungkol sa ‘Oh God’ reaction niya sa pagbabalik GMA ni Senator Bong Revilla.

Isa pang isyu ay ang pagbubuntis ni Janella Salvador na nilabas namin sa blind item last July. Nakakaloka dahil hindi nagko-confirm pero hindi rin naman nagde-deny ang aktres at ang boyfriend niyang si Markus Patterson.

Pinangalanan na si Janella sa Tonite pero wala pa ring pagtanggi sa kanyang kampo.

SM food to go Banner Ad

Nitong bungad ng taon ay tuluyan ng inamin ng aktres at pinakita sa mundo ang kanilang baby.

Marami ring isyung lumabas matapos magsara ng ABS CBN sa ere na sinabayan pa ng pandemya.Dahil sa krisis na pinagdaanan ng mundo nagtapyas ng talent fee hindi lamang ang ABS CBN maging ang Kapuso network at di nakaligtas maging ang big stars nila na sina Dingdong Dantes, Alden Richards at Jennylyn Mercado.

After 4 years naman ay tuluyan ng namaalam si Yassi Pressman sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at pumasok na ang karakter ni Jane de Leon. Malaking paghahanda ito for Jane bago ang kanyang big break na Darna sa telebisyon.

Hindi man inamin pero reliable source naman ang nagkwento sa amin sa naging tampuhan nina Vice Ganda at Billy Crawford nang magdesisyon ang huli na lumipat sa TV 5 para mag-host ng Lunch Out Loud na katapat ng It’s Showtime.Sa chat daw ng magkakaibigan ay may mga parunggit si Vice, bagay na hindi nagustuhan ni Billy kaya daw naglitanyang “May problema ka ba sa akin?”

Sa Abante Tonite din natin unang nilabas ang maraming break-ups tulad nina James Reid at Nadine Lustre na ikang months pa bago nila inamin. Nandyan din ang very controversial na break-up nina Joshua Garcia at Julia Barretto, at ang third party umano ay si Gerald Anderson matapos gumawa ng pelikula ang dalawa titled ‘Between Maybes.’

Marami rin ang nanghinayang sa break-up nina McCoy de Leon at Elisse Joson dahil at that time ay malakas ang loveteam nila na McLisse. Tayo rin ang unang sumulat niyan at sinabing ang dahilan daw ay ang Star Magic artist na si Patrick Sugui. Bagay na tinanggi ni Elisse. Pero tsika ng aming source hindi raw magkasundo si McCoy at ina ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.