Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iskup: Sachzna, Jerome 1 buwan magdyowa

0 3,421

ROMMEL PLACENTE:Balita ko mga ka-Cuatros ay nagkakamabutihan na sina Jerome Ponce at ang anak-anakan natin na si Sachzna Laparan.na isang artista,vlogger/influencer.

Ayon sa aking source,grabe raw ang effort na ginawa ng aktor sa panliligaw sa dalaga Ginagawa raw nito ang lahat, mapasagot lang ang flawless na dalaga.

Lagi nga raw magkasama ngayon ang dalawa at sweet na sila sa isat isa.

Hindi na ako nagulat kung nanliligaw man si Jerome kay Sachzna Hiwalay na kasi ito kay Mika Reyes, na dating volleyball player from La Salle.Nagtapos na ang apat na taong relasyon nila.

Sana, tunay ma mahalin ni Jerome si Sachzna . Mahal namin si Sachzna kaya hangad namin na mapunta siya sa isang lalaking talagang aalagaan siya at ‘di lolokohin , di ba?

RODEL FERNANDO: Panahon na para lumigaya naman ang ating anak-anakan na si Sachzna. Masyado kasi siyang busy sa kanyang pag-aartista, pagba-vlog at sa kanyang negosyo. Halos dito na nakatutok ang dalaga.

May pagkapihikan si Sachzna kaya feeling ko nahirapan si Jerome bago ito napasagot.

MILDRED BACUD:Baka si Jerome ang dahilan ng desisyon nina Saczhna at Jomar Lovena o mas kilala sa tawag na team JoSa na tapusin na ang kanilang vlog together?Di ba napakahaba ng pamamaalam ng social media influencer/actress sa kanyang FB account. Naging espesyal rin naman talaga si ‘Mamey” kay “Dadey.” ‘Yan nga ang tawag nila sa isa’t- isa. Isa rin ako sa mga sumubaybay sa vlogs nila at masasabi ko talagang may namuong pagtitinginan ang dalawa.

As for Jerome kung sila na nga ni Saczhna, sana ay alagaan niya ito.tulad ng pag-aalaga ni Jomar. Hindi naman sa hindi ako boto kay Jerome na naging ex-boyfriend ni Elisse Joson. Pero sana ay hindi niya masaktan si Saczhna sa parehong dahilan kung paano din nasaktan si Elisse no’n.

ROLDAN CASTRO: Bongga ka-Cuatros na Mildred parang rigodon lang. Si Elisse ay ex ni Jerome. Si McCoy de Leon ay naging ex din ni Sachzna. Ngayon nali-link si Sachzna kay Jerome. May tsika rin na nagkabalika sina Elisse at McCoy.

Anwyay, matagal na naming alam na may Kapamilya actor na nanliligaw kay Sachzna. Pero hindi sinasabi ng aktres kung sino ito.

Kahapon, may photo kaming nakita na magkasama sila ni Jerome kaya nag-PM kami sa aktres.Tanong namin ay kung siya na ba?

“Hahahahahahaha! Oo,” pag-amin ni Sachna sa chat.

Kayo na ba?

“Isang malaking yes!,”pakli niya.

“After ilang yrs nagkajowa na rin,” dagdag pa ni Sachzna.

Ilang buwan na kayo?

“Wala pa. 1 month pa lang,” sagot niya.

Ano ang nagustuhan niya kay Jerome?

“Magkasundo kami sa lahat ng bagay.

Sobrang match & click agad kami,” lahad ng aktres.

Nakatsikahan din namin sa chat ang ermat ni Sachzna na si Mommy Christine. Tinanong namin kung saan nagkakilala ang dalawa.

“ Dakak. Sa Sunday Kada (dating gag show ng TV5).”

“Actually matagal nang kilala ni Jerome si Sachzna

Pero as in sa name lang. Si Sachzna din matagal na n’yang kilala si Jerome,” kuwento pa niya.

Nagugustuhan ni madir ang pagiging simpleng tao at kasipagan ni Jerome.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.