Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ISKUP: Vice, Billy may samaan ng loob

0 196

NI:Mildred A. Bacud

True kaya ang nasagap naming tsika mula sa aming reliable source na may samaan daw ng loob ngayon sina Vice Ganda at Billy Crawford?

Hindi raw kasi nagustuhan ng huli lately ang mga parunggit ni Vice tungkol sa paglipat niya.

SM food to go Banner Ad

Tila hindi rin nagustuhan ni Vice na tatapatan ni Billy ang It’s Showtime na matagal ding naging tahanan ng TV host/singer.

Matatandaang maayos namang nagpaalaman ang dalawa nang mag-guest si Billy sa digital show ni Vice. Naiyak pa nga ito. Sinabi rin niyang mahal na mahal niya si Vice at ang pamilya niya sa Showtime.Gagawin lamang niya ang desisyong iyon para sa pamilya lalo na’t may baby na siya.Si Vice pa rin daw ang pinakanumber one bitch daw sa buhay niya?

Pero bakit may ganitong kuwento na tampuhang lumalabas? Dala ba ito ng mahigpit na namang kumpetisyon?

Mas naging hands on daw ngayon si Vice na mas mapaganda pa ang show at tatapatan nila ang pilot episode ng TV5 . Take note, magla-live sila huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.