Abante Tonite Interactive

Iskwater sa likod ng DA nasunog

By
1,588

Sumiklab ang sunog sa tirahan ng mga informal settler sa likod ng bagong gusali ng Department of Agriculture (DA) sa Sitio Palanan, Brgy. Vasra, Quezon City dakong alas-singko kahapon ng hapon.

Batay sa inisyal na report kay Sr. Supt. Manuel Manuel, hepe ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City, hindi agad naapula ang sunog na umabot sa ika-limang alarma dahil gawa sa mga light material ang kabahayan dito.

Nahirapan ding makapasok ang mga bumbero dahil sa maliliit na eskinita ang daanan papasok sa nasabing lugar.

Tinatayang daan-daang kabahayan ang naabo sa nasabing sunog habang anim na residente ang nasugatan at nagtamo ng pagkasunog sa katawan, batay pa sa inisyal na ulat.

Habang isinu­sulat ang balitang ito ay under control na ang sunog.