Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iskwater sa Wildlife Center boluntaryong lumayas

0 233

Boluntaryo nang naghakot ng kani-kanilang mga gamit ang may 11 pamilya na nakatira sa lupang pag-aari ng Ninoy Aquino Wildlife Center-Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon Avenue Project 6 Quezon City.

Ayon kay Emmanuel Lagamson, Area Coordinator ng Housing Community Development and Resettlement Department ng Quezon City Hall, noong 2017 pa umano nagsimula ang dayalogo sa mga informal settler pero ngayon lang nakumbinsi ang mga residente na lumipat sa inilaang relokasyon sa kanila.

Sabi pa ni Lagamson, nagkasundo ang DENR at Philippine Children’s Medical Center na pagtatayuan ng mga bagong gusali ng ospital para sa mga batang may cancer.

Nabatid naman na sa Pandi 2 Village Pandi, Bulacan inilipat ang mga umalis na residente sa lugar. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.