Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isleta inspiradong kumampay

0 41

Puntiryang maipagpatuloy ni Chloe Isleta ang inspiradong paglangoy mula sa nakalipas na sinalihang mga torneo kung saan nakabasag ng dalawang national record sa isa sa pagsisid sa 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.

Sasandigan ng US-based tanker ang tagumpay na kampanya sa 2022 Phoenix Invitationals noong Abril 29 sa asintang maka-gold medal sa nalalapit na 11-nation, biennial sports meet.

Pinabilis ni Isleta roon ang pitong taong 2:18.39 sa women’s 200-meter individual medley sa new PH record 2:18.35. Gayundin ang sa 100m backstroke sa clocking na 1:02.58.

Tinuldukan ni James Depairine ang matagal na pagkauhaw ng bansa medalyang ginto sa PH 2019 SEA Games men’s 100m back. May 1 ginto, 6 na pilak at 9 na tanso ang Pinoy swimmers para pumanlima. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.