Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isolation center hinirit sa mga eskuwelahan

0 61

Hiniling ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na payagan ng Department of Education (DepEd) na ipagamit ang mga silid-aralan bilang temporary isolation facility para sa mga may mababang kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Ayon kay LPP president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., sa ilang local government unit LGU), lalo na sa mga lower ranked na kulang sa isolation facility ay maaari naman sanang magamit ang mga paaralan kaya hiniling na nila sa DepEd na payagan na ipahiram ang ilang paaralan bilang isolation facility.

“Iba sa probinsiya at LGU, Hindi masyadong marami ang isolation facilities niyan at kulang sa pondo kaya naisip namin na magamit sana ang mga paaralan,” ayon kay Velasco.

Nag-ugat ang pagkabahala ng LPP sa pagbukas ng ilang LGU sa kanilang lugar at payagan na makapasok ang mga turista sa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine kaya mas kailangan umano ng isolation facility bilang paghahanda. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.