Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isolation facility sa Marikina, Mandaluyong puno na

0 208

Punuan na ang mga isolation facility sa Marikina at Mandaluyong City, sabi ng mga alkalde ng mga naturang lungsod sa harap ng patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Abalos baligtad na ang quarantine set-up na ipinatutupad sa ilang barangay sa lungsod, kung saan sa bahay nananatili ang mga taong nagpositibo pero asymptomatic o walang ipinapakitang sintomas, habang sa ibang lugar naman nananatili ang mga negatibo nilang kaanak.

Samantala sa Marikina, tumaas ang kapasidad ng contact tracing pero problema umano kung saan dadalhin ang mga nagkakasakit ng COVID-19 dahil 100 percent na full na ang kanilang mga isolation facility. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.