Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Isolation room kailangan sa mga kompanya

0 121

Kinakailangang maglaan ng isang isolation room para sa 200 empleyado ang mga pribadong kompanya na maraming manggagawa, sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes.

Dapat aniya malapit ito sa entrance ng kompanya o katabing pasilidad para sa mga empleyado na kailangan ng medical assistance.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag pa ni Roque, base sa DOLE-DTI Joint Memorandum Circular No. 2020-04-A, kailangan may sapat na bentilasyon at nakalaang personal protective equipment (PPE) ang isolation room para sa mga health personnel at asymptomatic patient.

Dagdag pa ni Roque, kailangang may protocol ang mga kompanya para sa pagdadala ng mga empleyadong symptomatic sa COVID-19 sa pinakamalapit na health facility upang isailalim ito sa swabt test. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.