Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Istriktong distancing, bawal `Marites’ sa botohan

0 41

Magiging mahigpit ang mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng mga public health protocol kontra COVID-19 para sa idaraos na halalan sa buong bansa bukas, Mayo 9.

Ayon kay DepEd Director Marc Bragado, babantayan nila ang physical distancing kung kaya’t asahan na magiging mahaba ang pila sa mga voting precinct.

Bukod sa distancing para iwas hawaan ng COVID, maghihigpit din aniya ang mga DepEd personnel sa loob at labas ng mga voting precinct kung saan ay ipinagbabawal na tumambay ang mga tao.

“Ang amin lamang iniisip ngayon ay paano patatakbuhin ang eleksiyon ngayong may pandemic at mayroon tayong mga bagong gagawin, `yong tinatawag nating isolation polling place, medical help desk, at voter assistance desk,” sabi pa ni Bragado sa panayam ng himpilang Dobol B TV.

Kabilang pa aniya sa mga ipatutupad ang pagbabawal sa mga botante na magsalita habang nasa loob at maging sa labas ng mga voting precinct.

Matatandaang una nang inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na bawal ang mag-selfie o gumamit ng cellphone habang nasa loob ng botohan. Pinaalala rin ng poll body na maaaring palabasin ang isang botante kapag nakitaan ito ng paglabag sa mga pinatutupad na patakaran kaugnay sa halalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.