Abante Tonite Interactive

Isumbong ang manlolokong mga healthcare provider

227

DOH sa publiko:

Mawawalan ng akreditasyon at sasampahan ng kasong kriminal ang mga accredited healthcare provider ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na mapapatunayang sangkot sa fraudulent activities.

Ito ang tiniyak ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ,kasunod na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na na kailangang mapatawan ng matinding parusa ang mga mapanlinlang at mapagsamantalang healthcare providers upang matuto ng leksiyon.

Kasabay nito, hinimok ni Duque,ang publiko na kaagad na isumbong sa kinauukulan kung mayroon silang nalalamang ganitong mga klase ng iregularidad.

“Ako’y nakikiusap sa ating mga kababayan, na kung meron kayong nalalaman na katiwalian na ginagawa ng ating healthcare providers… ay huwag po kayong magdalawang isip na isiwalat po ito,” dagdag ni Duque. (Juliet de Loza-Cudia)