Abante Tonite Interactive

Isusunod ang apelyido sa ama

By
178

Magandang umaga Atty. Claire,

Nais ko lamang po magtanong regardin­g sa kaso ng anak ko. Simul­a grade school at hanggan­g ngayon na senior high school, ang gamit ng anak ko ay ang apelyido ko.

Nang kumuha kami ng birth cerificate, ­kadahilanang kailanga­n ng anak ko ito para magrepresen­t ng school papuntang Singapore.

Nagulat na lang po ako na apelyido ng ama niya na dati kong asawa ang nakalagay na surname ng anak ko. Paano ko po ito mapapalitan? At mailagay sa apelyido ko ang anak ko. Please po kindly reply nais ko po malaman ang hakban­g na gagawin ko.

Respectfully yours,
Miss Dizon

Ms. Dizon,

Ayon sa kwento mo ay lumalabas naman na legitimate na anak ang bata dahil ang sabi mo ay dati mong asawa, ang ibig sabihin ay kasal kayo dati. Dahil legitimate na anak ang bata ay talagang maisusunod sa apelyido ng ama ang anak niya. Iba kasi ang magiging usapan kung illegitimate ang bata dahil maaaring isunod ang apelyido sa nanay kung nais ng huli na huwag isunod sa apelyido ng ama.

Kung nakasunod sa apelyido ng tatay ngunit sa palagay ng anak mo ay hindi ito makakabuti­ sa kanyang kapakanan o sa kanyang welfare ay may karapatan ang anak mo lalo pa at nasa senio­r high school na siya kung saan maaari siyang mag-decide kung anong apel­yido ang nais niyang gamitin. Maaari siyang dumulog sa korte na payagan­ siyang gamitin­ ang apelyido na nais niyan­g gamitin. Tandaan na ang choice ng bata at kapakanan nito ang susundin ng korte at hindi ang kagustuhan lamang ng mga magulang.

Ngunit kung nagmamadali kayo ay kausapin muna ang school na hayaan munang kumuha ng passport gamit ang birth certificate upang makapunta lamang at mai-represent ang school sa Singapore. Ngunit maaa­ring magkaroon na lamang ng manifestation sa school at sa ahensyang magi-sponsor sa Singapor­e na iisa lamang ang batang tinutukoy sa school records at sa passport.

Kung may katanunga­n pa ay tumawag lamang sa 4107624 o 9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com