Abante Tonite Interactive

Isyu at hindi personalidad

0 160

Joel Reyes Zobel

Bakit ba mahalaga ang voter education? Una, hinihikayat nito na makisali ka sa botohan, makibahagi ka sa eleksiyon.

Ikalawa, ipinababatid nito na ang pagboto ay mahalagang bahagi ng inyong civil rights o karapatan mo bilang mamamayan. Political right mo ito bilang mamamayang Pilipino. Ikatlo, pinababatid DAPAT nito ang background ng mga kandidatong inyong pagpipilian. Sino ba siya, ano ang kanyang pagkatao, ano ang kanyang mga pinag­lalaban? Sinabi ko na DAPAT dahil ito ang KULANG sa impormasyon marapat na ibahagi ng Comelec pero mahalagang bahagi ng pagboto. Ang pagpili ng tamang kandidato na ipagla­laban ang mga isyu na malapit sa ating pagkatao, malapit sa ating puso. Ano-ano ba ang mahahalagang isyu na dapat ikunsidera ng botante sa pagpili ng kandidato na kanilang iboboto.

Una, unemployment.
Ikalawa, pagtugon sa kahirapan
Ikatlo, taxes. Pili tayo ng kandidatong hindi tayo pahihirapan sa pamamagitan ng dagdag na buwis. Hanap tayo kandidato na sa halip na magdag­dag ay magpapanukala na bawasan pa ang buwis na ipinapataw kay Juan.

Ikaapat, death pe­nalty. We need an effective law kaugnay ng parusang bitay
Panglima at napakahalaga: Ang isyu ng West Philippine Sea at China. Pumili tayo ng kandidato na ipaglalaban ang ating teritoryo ng walang pasubali at pagaalinlangan.

Ang magaling na botante ay nagsasaliksik. Ang magaling na botante ay hindi naghihintay ng impormasyon na ihahain na lamang sa kanyang harapan. Ang ma­galing na botante ay nanonood ng current events at tumitimbang sa mga isyu na makabubuti sa pangkalahatan.

Sa bandang huli. You deserve who you vote for. Nararapat lamang sa inyo ang mga pinuno na inilalagay ninyo sa puwesto. Ang iboboto ng kulang kulang dalawampung milyong Pilipino ay makakaapekto sa buhay ng isandaan sampung milyong Pilipino. Goodluck sa ating lahat.