Abante Tonite Interactive

‘It girl’ naanakan ng may asawa

By
988

Pagmamahalan ang dahilan kung bakit ang isang stylist na kasama sa mga tinataguriang ‘It Girls’ ay naging nanay na. Siyempre pa, we are not taking it against her. May karapatan siyang i-pursue ang kanyang kaligayahan at ang wish niyang fulfilled na maging ina, laudable indeed.

Ang collective bangs ba natin, dapat madabog dahil sa version of her history and truth? Hayaan na natin siyang maging greatest story teller of all time. Buhay naman niyan at kahit pa nga it’s a sin to tell a lie, wala naman siyang pakialam kung makasalanan. Basta sa kasaysayan niya, ang mga pangyayari, ‘yung timeline na alam niya, na kinumbinsi niya ang sarili niya na siyang totoo, ang pinanghahawakan niya.

Hindi na nga naman siya spring chicken. Mas lalong hindi siya bagay na maging vestal virgin na puwedeng ialay sa bulkan, isakripisyo ang buhay para matigil ang pag-aalburoto nito. Alam naman nating sa high flying adorned niyang buhay, sipping wine, chardonnay and champagne a plenty eh part of the trade kaya hayaan na natin siya. Ang kagaya niya, palagiang defense at justification, kasalanan niya lang ay nagmahal siya sa ma­ling panahon at pagkakataon.

Hers is cautionary tale indeed. Sa mga magulang na may mga anak, babae man o lalaki, hindi masama to aspire for the good life. Ikantal niyo pa rin sa mga puso at utak nila, more than this good life, the biggest aspiration and inspiration is, you have to be good person first. Na alam mo ang tama at mali. Na laging tama ang gagawin mo sa buhay para hindi ka makapanakit, makapanira.
Hindi dapat kinakandali ang kalandian at libog na nagkukunwaring pagmamahalan. Ang unang umaray na It Girl, alam na.