Abante Tonite Interactive

Itim na ahas

359

Dear Dream Catcher:
Nanaginip ako na may kasama raw ako tapos nakakita raw ako ng mai­tim na ahas medyo ma­kintab sa puno ng kahoy. Ang sabi ko daw “wow” dahil sobrang ingay ko kinagat daw ako ng ahas sa kilikili. Napasigaw ako then nagising ako. Ano po ibig sabihin nun?
Vin

Dear Vin
Ang panaginip tungkol sa ahas ay madalas indikasyon ng mga banta at panganib na kadalasan ay hindi tayo aware. Ang ahas ay puwedeng simbolo ng pagtatraydor.

Ang kulay itim ay simbolo rin ng potensyal na banta at ang itim na ahas ay maaaring paalala ng iyong subconscious na sa kinakaharap mong sitwasyon ay meron mga taong tila ahas na puwedeng tumuklaw sa iyo.

Related Posts

Sa iyong panaginip, ang una mong naging reaksyon sa ahas ay tila nagandahan ka dahil makintab ito kaya nga napasigaw ka ng “wow”na malinaw na indikasyon na hindi ka natakot agad sa ahas. Karaniwang reaksyon ng isang taong nakaki­ta ng ahas ay natatakot pero depende nga kung saan mo naman nakita ang ahas. Dahil kung ang ahas ay nasa loob ng zoo, natural na reaksyon ang mapa-wow maaring sa laki o sa kulay ng ahas.

Dahil sa iyong pana­ginip ay hindi ka nakaramdam agad ng takot sa ahas, kung ihaha­nap mo ito ng koneksyon sa iyong buhay, maaa­ring ang ahas ay ma­ging representasyon ng isang taong malapit sa iyo pero maaaring nagpapaalala ang iyong subconscious na hindi puwedeng ibigay nang todo-todo ang tiwala sa taong ito. Maaaring nakakaram­dam ka ng pangamba na may posibilidad na hindi nagiging totoo sa iyo ang taong ito.

Ikaw ang nakakaalam ng iyong tunay na sitwasyon kaya ikaw rin ang makakahanap ng eksaktong kahulugan ng iyong pana­ginip.
Kung ang iyong pa­naginip ay isang paalala, hindi masamang pag-aralan mo kung ano ang nangyayari sa buhay mo at alamin kung meron ba o walang maihahalintulad sa isang ahas na anumang oras ay puwedeng tumuklaw sa iyo. Wala namang masama sa pag-iingat.
Dream Catcher
***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.