Abante Tonite Interactive

Itim na eroplano 12 beses nang umiikot: Mga Ilokano nabulabog

676

Pangamba at takot ang namutawi sa ilang residente ng Brgy. Ezperanza, Vintar, Ilocos Norte dahil sa pabalik-balik na eroplanong kulay itim sa himpapawid sa nasabing barangay kahapon ng umaga.

Ayon sa residente na si Jayson Baay, 12 beses nang pabalik-balik ang eroplano mula sa kanluran at silangang direksiyon.

Sinabi ni Baay, tinutumbok ng eroplano ang magkabilang bundok sa isang barangay sa Vintar at bayan ng Pasuquin.

Base sa pahayag ni Baay, nag-umpisa ang pag-ikot ng eroplano na tila may hinahanap dahilan ng pagkatakot ng mga residente.

Pagkatapos nito ay biglang nagbago ang direksiyon at nagtungo sa timog.

Aniya, hindi naman malaman ni Baay kung ang proyekto ng mga Chinese sa dalawang bayan ang pakay ng itim na eroplano. (Allan Bergonia)