Abante Tonite Interactive

Itinago ang trabaho

By
732

Sa isang surve­y na ginawa ng Socia­l Weathe­r Stations (SWS) nitong nakaraang Marso­, lumitaw na dumami ang ‘adult joblessness’ sa bansa. At kapag napapanood naman natin sa balita ang mga walang trabaho, ang la­ging dahilan eh wala silang makitang trabaho.

Sa naturang survey ng SWS, sinasabing 23.9% ng mga ‘adult’ na Pinoy o tinatayang nasa 10.9 milyon ang walang trabaho. Ang malungkot nito, mas mataas ito sa 8.2% na naitala noong Disyembre.

Pero hindi siguro kataka-taka kung mas dumami ang walang trabaho sa survey noong Ma­rso. Kasi nga naman, ang Disyembre eh holi­day season kaya natural na maraming bakanteng trabaho lalo na sa mga mall at establisimyento na mahihilig sa ‘endo’ o ‘contractual’.

Kaya kung na-hire sila simula ng Setyembre­, malamang na hanggang January lang sila may trabaho at nadadale na sila ng ‘endo’ bago pa sila makaanim na buwan sa kompanya.

Ang isa pang de-kahon na katuwiran na tiyak na madidinig natin sa mga opisyal ng gob­yerno eh ‘mismatch’ ng trabaho at kursong tinapos ng aplikante. Mantakin niyo taon-taon na may kalahating milyon na ‘workforce’ na nadaragdag sa bilang ng mga manggagawa mula sa mga bagong graduate — natural na maipon at magkapatong-patong na parang utang ang mga walang trabaho.

Aba’y ilang trabaho ba ang nalilikha sa Pilipinas taon-taon? Sina­sabing para mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho, dapat ay nasa isang milyong trabaho ang kailangan malikha mula sa iba’t ibang sektor. Ngayon, ibinibida ng pamahalaan na isang milyong trabaho ang kayang likhain ng ‘Build, Build, Build’ program.

Iyon nga lang, dahil ang sentro ng programa eh mga paggawa ng mga kalsada at iba pang mga infra project; mga trabahong pangmaton ang karamihan gaya ng mga mason, welder at iba pa. Sa nakaraang silip natin sa website ng programa para sa mga naghahanap ng trabaho, aba’y 9,000 lang ang bakanteng posisyon kahit pa nasa kalagitnaan na tayo ng taon.

Ang matindi nito, habang marami ang naghahanap ng trabaho na mapapasukan, aba’y sinabi ni Budget Secretary Ben Diokno na mahigit 264,000 posisyon o trabaho mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan ang bakante pala.

Kabilang sa mga bakanteng posisyon na dapat daw punuan ay 125,000 para sa teachin­g and teaching-related positions, mahigit 90,328 sa ‘general civil servants’, 34,306 para sa military and uniformed personnel, at 13,914 para sa medi­cal and allied medical workers.
Sa naturang mga bakanteng trabaho, sinabi ni Diokno na 70,000 sa mga ito ang nasa Metro Manila, 19,000 sa Calabarzon, 15,000 sa Region 3, at 14,000 sa Bicol region.

Ang tanong ng atin­g kurimaw na tambay, bakit hindi napupunan ang mga bakanteng trabaho at hindi ipinapaalam ng mga kaukulang ahensiya na may mga trabaho na puwede nilang aplayan?
Siguro ang isa sa mga sasabihing dahilan eh dapat may civi­l service eligibility ang aplikante o kaukulang karanasan. Pero kung hindi naman mataas ang posisyon ang trabaho, baka puwede na sigurong luwagan ang tungkol sa experience.

At pagdating sa ci­vil service eligibility, ba­kit hindi magsagawa ng libreng pagsusulit ang Civil Service Commission (CSC). Bakit hindi magsagawa ng info drive ang CSC sa lalo na sa mga fresh grad na hikayatin silang kumuha ng exam upang makapagtrabaho sila sa gobyerno.

Hindi naman kaya sinasadya ng mga ahensiya na hindi punan ang bakanteng puwest­o para mas malaki ang kanilang ‘savings’ sa pagtatapos ng taon na gagawin nilang ‘bonus’?
Sa halip na lusawin ang mga posisyon na hindi mapupunan, gaya ng banta ni Diokno, ang dapat sigurong gawin ay gumawa ng website kung saan makikita ang mga bakanteng puwesto sa gobyerno para maaplayan ng mga kuwali­pikadong tambay. La­ging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”