Abante Tonite Interactive

Itlog at buhangin

476

Dear Dreamcatcher,
Tanong ko lang po, nanaginip po kasi ako ng itlog na nabasag. At tinabunan po ito ng buhangin. Ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko na ito?
Mark

Dear Mark,
Ang panaginip sa nabasag na itlog ay isang positibong panaginip! Itinuturing itong isang positive omen.

Ang itlog ay sumisimbolo sa fertility, pagbabago, pagsisimula at creative ideas. Sa makalumang paniniwala, ang itlog ay ikinokonek din sa buhay at ispiritwalidad. Sinisimbolo nito ang isang bagong potensyal.

Abante Hiring – IT dep

Ang ganitong panaginip ay indikasyon na anumang pinapangarap mo sa buhay ay may posibilidad na maging abot-kamay.

Related Posts

Ang itlog ay simbolo rin ng isang bagong simula. Mas malaki ang itlog, mas malaking ganansya o benepisyo ang puwedeng mapasaiyo. Ilang psychologists ang naniniwala na ang panaginip tungkol sa itlog ay sumesentro sa isang plano na maaaring nasa isip mo pa lamang. Kung dito ka nakakaramdam ng koneksyon, anumang planong ito’y dapat mong ituloy dahil napakaganda na itong pananaw. Positibo ang nararamdaman mo sa planong ito, kung pagbabatayan ang iyong panaginip.

Ang buhangin naman ay sumisimbolo sa oras, sa panahon. Ang bahaging ito ng iyong panaginip kung saan tinabunan ng buhangin ang itlog ay maaaring mensahe ng iyong isip. Kung ang itlog ay nagrerepresenta sa isang ideya o sa isang plano at ang buhangin ay sumisimbolo sa tumatakbong oras, ang iyong panaginip ay maaaring paalala ng iyong subconscious na masasayang ang isang magandang oportunidad kung hindi mo ito aagapan.

Kung ang itlog ay sumisimbolo sa pa­ngarap mo sa buhay na maaaring abot-kamay mo na, ang buhangin ay nagpapaalala na walang oras na dapat sayangin para gawin ang nararapat upang ang iyong mga goals sa buhay ay hindi manatiling pangarap lamang. Sabi nga nila, time is gold at opportunity only knocks once!

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.