Abante Tonite Interactive

Itlog ng pawikan natagpuan

By
Ang mga itlog ng pawikan na natagpuan ng rescue team sa Barangay Baretto, Olongapo City. (Jojo Perez)
14

Dismayado ang ilang mga residente ng isang barangay sa Olongapo matapos pakialaman ang mga itlog ng pawikan na natagpuan ng mga rescue team ng nabanggit na barangay.

Sa panayam ng Abante kay Kapitan Angelito Baloy ng Barangay Baretto, pasado alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang ipagbi­gay-alam sa kanya ang pagkakatagpo ng mga residente sa 125 na itlog ng pawikan.

Laking dismayado umano niya nang kunin ng kanilang rescue team ang mga itlog ng pawikan mula sa baybayin ng dagat at dalhin sa tanggapan ng rescue para sa safekeeping.

“Ang dapat po ginawa ng aming rescue team ay nilagyan ng bakod ang mga itlog sa dalampasigan at hindi ginalaw o binuhat,” ayon pa kay Baloy.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa mga kinauukulan para sa tamang pangangalaga at kung magawa pang mapisa ang mga itlog dahil na rin sa pagiging endangered ng mga ito.