Abante Tonite Interactive

‘Itlog’ ni Gretchen naka-freeze

0 478

Tiyak na muling pag-uusapan ng publiko ang papapa-freeze ng entertainment anchor ng “TV Patrol” na si Gretchen Fullido ng kanyang egg cells. Plano pa rin niyang magkaroon ng anak balang araw.

Si Gretchen ay 39 years old na pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang single.

Ang procedure ng pagpapa-freeze ng egg ni Gretchen ay ginawa ng mag-amang doctor na sina Greg at Gia Pastorfide ng Victory Art Laboratory. Ito’y gagawing documentary ng entertainment anchor at nakatakdang ipalabas sa kanyang sariling YouTube channel.

Digong pinapahalagahan si Robin Padilla

Kilala ang action star na si Robin Padilla sa pagiging strong supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay tumayong ninong ng first daughter ng mag-asawang Robin at Mariel Padilla na si Maria Isabella.

Dahil sa Amerika muli isisilang ni Mariel ang kanilang second baby, pinag-isa na nila ang kanilang birthday celebration last Friday.

Mariel turned 35 nu’ng nakaraang August 10 habang si Robin ay magiging ‘golden boy’ na sa darating na November 23.

Since pinapahalagahan ni Pangulong Digong ang kanilang pagkakaibigan ni Robin ay hindi nito pinalagpas ang joint-birthday celebration ng mag-asawa.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Mariel ay pang-pitong anak ni Robin. Ang panganay niya ay si Camille Orosa, anak niya sa dating actress na si Leah Orosa na naka-base na sa Amerika. Apat naman ang anak niya sa kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco, sina Queenie, Kylie, Ali at Zhen-Zhen at magda-dalawa naman kay Mariel.

Piolo ididirek ni Alessandra

Malaking bagay para kay Alessandra de Rossi ang pagpayag ni Piolo Pascual na makasama niya sa film project na “Fuffy and Fream”.

Ang nasabing pelikula bale ang directorial debut ng Fil-Italian actress.
Naging malapit sa isa’t isa sina Alex at Piolo nang gawin ng una ang hit indie movie na “Kita Kita” in 2017 na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo. Isa si Piolo sa mga producer ng naturang movie.

Taong 2017 nang magsama sa isang primetime TV series sina Piolo, Arci Muñoz, Alex at Empoy, ang “Since I Found You”.

Kapag naipalabas na sa mga sinehan ang “Fuffy and Fream” ay doon lamang malalaman kung may ‘K’ si Alex bilang isang writer-director.