Abante Tonite Interactive

Ito ang panahon na mag-slow down — Leni

14,246

Ngayong Semana San­ta ang panahon pa­ra maghinay-hinay at magmuni-muni kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay, ayon kay Vice-President Leni Robredo.

Madalas, sa sobra umanong abala sa ma­raming bagay ay nakakalimutan na kung ano ang mahahalagang bagay.

“Iyong Lent ay panahon para mag-slow down tayo. Mag-slow down at makita muli kung ano talaga iyong mahalaga. Paminsan ka­­si sa frenzy ng pang-araw-araw natin na ginagawa, nakakalimutan natin iyong mas mahahalagang mga bagay,” ayon kay Robredo.

Ayon pa kay Rob­redo, sa mga Katoliko, ang Semana Santa ay panahon ng paghingi ng kapatawaran at pag­balik-loob sa Panginoon.