Abante Tonite Interactive

ITOTODO PA NG FOTON AT F2

66

Standings W L
Petron 8-1
Foton 7-1
F2 Logistics 6-3
RC Cola-Army 3-5
Cignal 1-7
Generika 1-9

Mga laro ngayon: (Gen. Trias Sports Center)
4:00 pm — Cignal vs ­Foton
6:00 pm — F2 Logistics vs RC Cola-Army

Swak na sa semifinals ang Foton habang sementado sa No. 3 spot ang F2 Logistics kahit hindi pa tapos ang preliminary round sa Asics ­Philippine Superliga (PSL) Grand Prix.

Haharapin ng defending champion Tornadoes ang Cignal ngayong araw sa Gen. Trias Sports ­Center sa historic town ng Gen. Trias, Cavite habang toka ng Cargo Movers ang RC Cola-Army sa main game.

Tangan ng Tornadoes ang 7-1 card, magtatabla sila ng Petron sa top spot sakaling manalo sila sa HD Spikers.

Nasa tersero puwesto naman ng team standings ang Cargo Movers karga ang 6-3 karta, hindi na mababago ang kanilang kinalalagyan kahit yumuko sila sa Lady Troopers.

Pero itotodo pa rin ng Cargo Movers ang kanilang lakas para makakuha­ ng momentum sa ­sudden-death playoff.

“We’re not doing anything special,” saad ni F2 Logistics coach ­Ramil de Jesus. “The team just told me that they wanted to win. So I’m doing my best in guiding them to achieve that goal.”

Makikipagsabayan din ang Lady Troopers kahit wala na silang pag-asa sa No. 3, dahil gaya ng F2 Logistics nais din nilang lumaro sa susunod na phase na galing sa panalo.

Ibabandera ng F2 Logistics sina reinforcements Hayley Spelman at Sydney Kemper at local netters Ara Galang, Cha Cruz, Aby Marano, Mika Reyes at ­All-Filipino Conference Most ­Valuable Player Dawn Macandili.

Sina import ­Kierra Holst at Pinay hitters ­Jovelyn Gonzaga at ­Honey Royse Tubino ang ibabangga ng RC Cola-Army.