Abante Tonite Interactive

‘It’s complicated’ ang relasyon, babae naglaslas ng pulso

477

Dahil sa umano’y kumplikadong pakikipagrelasyon, nagtangkang magpakamatay ang isang 42-anyos na babae sa pamamagitan nang paglaslas ng pulso nito kahapon nang umaga sa Makati City.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Nimfa, 42, empleyado at nakatira sa Makati City.

Lumalabas sa report ng Makati City Police na naganap ang insidente dakong alas-11:20 nang umaga sa 5602 Don Pedro St., Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagtangkang magpakamatay ang biktima matapos nitong kunin ang isang blade at laslasin nito ang kanyang pulso.

Kaagad namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na pagamutan.

Nagawa umano ng biktima ang tangkang pagpapakamatay dahil sa kumplikadong pakikipagrelasyon nito subalit hindi na idinetalye ng mga imbestigador matapos makiusap ang pamilya ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente. (Armida Rico)