Abante Tonite Interactive

It’s showtime contestant timbog sa cocaine, ecstasy

934

Nadakma ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang modelo na sinasabing grand finalist ng ‘gandang lalake’ ng isang noontime show at kanyang kasamang babae sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City, nitong Martes nang umaga.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang nadakip na sina Aaron Linde Cruz, 25-anyos, isang model at product endorser, residente ng MPlace Condominium, Mother Ignacia, QC, at Geraldine Vitto, 22, nakatira sa Blk.

12 Welfare Ville Compound Mandaluyong City, na nakumpiskahan ng isang milyong pisong halaga ng cocaine at ecstasy

Sinabi ni PDEA Alpha Team Wilfredo Alagabai Jr., si Cruz ay isang freelance commercial model at endorser ng iba’t ibang produkto.

Aniya, matagal na niyang sinusubaybayan si Cruz dahil sa kanyang iligal na gawain hanggang matiyempuhan nila ito dakong alas-5:30 nang madaling-araw (Hul­yo 18) at isinagawa ang buy-bust operation sa 36th St., Bonifacio Global City, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Nabatid din kay Ala­gabai na ang dalawang suspek ay kabilang sa mga supplier ng droga sa ilang artista pero hindi tinukoy kung sino-sinong celebrities ang mga kliyente nito.

Aminado naman si Vitto na sa kanya nakuha ang party drugs pero napag-utusan lang umano siya at pinadala ang order at hindi niya alam na droga ang kanyang dala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek. (Dolly Cabreza)