Abante Tonite Interactive

‘It’s Showtime’ kinastigo ng DSWD sa ‘Ampon Joke’

By
5,406

​Mariing kinondena ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang offensive joke na nangyari sa segment ng It’s Showtime na noontime show ng ABS-CBN kahit agad na humingi ng paumanhin ang mga host ng programa.

Nangyari ang insidente last June 7 sa Purokatatawanan portion, na ang mga host ay magbibigay ng kani-kanilang joke. Isa sa mga talent ng programa ang nag-joke tungkol sa ampon.

Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginia Orogo ang paggamit ng ‘ampon ka’ ay isa umanong maselan at may hatid na negatibong kahulugan.

Abante Hiring – IT dep

Kahit daw na-deliver ang salita sa pamamagitan ng biro para makapagpasaya ng mga manonood, may responsibilidad pa rin daw ang network at ang programa sa mga ganitong bagay.

Alam ni Amy Perez, isa sa host ng show na hindi magandang pakinggan ang joke kaya agad siyang nag-sorry nationwide on behalf of the It’s Showtime show.

“Ang buong programa po ay humihingi po ng paumanhin at hindi po namin intensyon na mawalan ng respeto at gawing katawa-tawa ang mga tao,” ani Amy. “Magtiwala po kayo na mas lalo po kaming magiging mai­ngat, responsable, at sensitibo sa a­ming mga salita para sa kasiyahan po ng lahat,” dugtong pa niya.

Para kay Orogo, walang mali sa ligal na pag-aampon sa mga bata dahil nagagabayan nila ang magiging buhay mula sa orphanage.

Kinuha niya ang atensyon ng network para hindi na maulit ang insidenteng nangyari kamakailan. Hiniling din niya na tulungan ang DSWD sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga panganib ng iligal na pag-aampon.

Si Orogo ay isa ring vice-chair ng Inter-Country Adoption Board.