Abante Tonite
Mabilis sa Balita

It’s Showtime muntik tsugihin

0 388

NI: MILDRED BACUD

Tuluy tuloy sa pagpapasaya ang programang ‘It’s Showtime.Balik live show sila matapos magpahinga muli ng halos dalawang linggo dahil sa pagsasailalim sa GCQ ng Metro Manila.

Pero alam niyo ba ang kuwento ng aming source, muntik na palang tsugihin sa ere ang It’s Showtime? May mga pagkakataon no’n na puro replay na lamang ang pinapalabas kahit na nasa MECQ ang NCR.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kuwento pa ng aming source , umabot umano sa puntong unti- unti ay tinatanggal na ang mga ilang gamit ng show sa studio nito.

Malamang daw na may magandang nangyari kaya nabago ang dapat sanang pagpapasara na ng nasabing show. Sayang din daw dahil 11 years na ang It’s Showtime this October.

Kaya nang magbalik, ang naging hashtag ng programa ay It’s Showtime #tuloya ang pagpapasaya.

Sa mga larawan kapansin pansin naman na naroon pa rin sa mga host si Mariel Rodriguez . Kahit na kontrobersyal ang asawa nitong si Robin Padilla sa Dos at kahit na matagal na rin siyang nawala mula nang manganak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.